Wednesday, February 12, 2014

Biological Science

Iba't- ibang Uri ng Bulaklak sa Pilipinas

  

Ylang-ylang

Ang "ylang-ylang" ay nagtataglay ng halimuyak na naiiba. Sa katunayan, ang langis na nakukuha sa bulaklak na ito ay nagagamit sa aromatherapy, at sinasabing nagdudulot ng ginhawa mula sa sakit sa puso at mga problema sa balat. Ang puno ng ylang-ylang ay likas sa Pilipinas at madalas tumubo sa mga bahagyang asidikong lupa. Ang bulaklak nito ay kulay dilaw-luntian at kahugis ng isang bituin.

Imahen:Sampaguita1.jpg Sampaguita

Ang sampaguita, likas sa mga tropikal na bahagi ng Asya, ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. Ang malilit ngunit mabangong bulaklak na ito ay ginagawang mga kwintas na ginagamit bilang alay ng pagtanggap o simbolo ng parangal sa mga kilalang tao o mga taong may mataas ang katungkulan. Ang mga binebentang sampaguita sa kalsada ng Maynila ay ginagawang dekorasyon sa mga sasakyan o kaya naman ay inuuwi ng mga Katolikong deboto upang isabit sa kanilang altar. Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak ay ginagamit na alternatibong medisina ng mga Pilipino. Ginagamit ang sampaguita bilang pampakalma, anestisya at gamot sa sugat.

 Imahen:Walingwaling.JPG Waling-waling

Ang waling-waling ay isang bihirang orkid na katutubo lamang sa isla ng Mindanao, partikular sa paanan ng Bundok Apo sa DavaoCotabato, at Surigao. May panahon ang pagtubo nito, at ang dalawang linggong pamumukadkad ay nagaganap sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre. Tinaguriang "Queen of Philippine Orchids," ang waling-waling ay itinuturing na pinakamagandang orkidsa Pilipinas dahil sa nakamamanghang kulay ng uri nito. Ang katangiang ito ang nagdulot sa muntik na pagkawala ng mga waling-waling nang unti-unting inubos ng mga mangangaso at kolektor ng orkid ang mga nasabing bulaklak. Ang pagkaubos ng waling-waling ay napigilan nang isinagawa ang tissue culture upang paramihin muli ang mga orkid.

Imahen:Gumamela.jpg  Gumamela

Ang gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak sa Pilipinas, dahil sa ito ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Ang bulaklak na ito ay naiulat na ginagamit na pantapal sa mga bukol, maga at beke. Ang katas na nakukuha sa ugat ay ginagamit na gamot sa venereal diseases at lagnat, habang ang mga dahon naman ay ginagawang pamahid sa lagnat at sakit ng ulo.

Imahen:Santan.jpg  Santan

Ang santan ay isang palumpong na mayroong maliliit na pulang bulaklak. Ang uring ito ay nagmula sa India, pero ito ay itinanim at napalago na rin sa Pilipinas. Ang mga bata ay mahilig mag-ipon ng mga bulaklak ng santan upang gawing kwintas. Ang mga matatanda naman ay kumukuha ng mga ito upang gawing gamot sa daragas at iba pang mga sakit.

Imahen:Damadenoche.jpg  Dama de Noche

Ang dama de noche ay sikat dahil sa kakaiba nitong pagtubo, na naging paksa rin ng isang alamat. Ang mga bulaklak nito ay namumukadkad sa gabi at naglalabas ng napakatamis na halimuyak. Ang bulaklak na ito ay unang pinalago sa tropikal na bahagi ng Amerika, pero ngayon ay itinatanim at pinapalago na rin sa Pilipinas.

Imahen:Everlasting.jpg  Everlasting

Kilala rin sa tawag na paper daisy o straw flower, ang everlasting ay bulaklak na simbolo ng Baguio City. Mga tali ng ganitong bulaklak ay binebenta sa mga palengke at kalsada ng "Summer Capital" ng Pilipinas. Dahil sa tagal ng buhay ng everlasting, paborito ito ng mga deboto na isabit sa kanilang mga altar.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mga_Bulaklak_ng_Pilipinas


https://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=so_tOPnXwM8